
Minsan may mga pagkakataon na ayaw mo na lang malaman yung katotohanan. Okay na sayo yung kung ano lang pagkakaintindi mo at nakarating sayo kesyo balita man o tsismis. Buong buhay mo, paniwalang paniwala ka sa isang konspeto na akala mo totoo. Handa ka pa nga ibuwis at ipusta buhay mo para lang mapatunayan yung paniniwala mo at mapahiya yung kausap mo. Ipinaglalaban mo talaga ang pagbibingi bingihan mo mula sa kahit anong paliwanag.
Aaminin ko ito ngayon lang at ito na rin siguro yung huli. Ako, naguguluhan din ako peromas minsan pabor na lang sa akin magdunung dunungan. Ewan ko sa inyo, ah? Pero kasi ako matagal ko na ring tanong sa sarili ko. Nalilito kasi ako sa kung magkapareho o magkaiba ba ang Spam at Ma-ling.
Totoo lang, pwede ko ito iGMG (iGoogle Mo Girl) pero mas gugustuhin ko na ipaliwanag ko sa inyo muna kung ano yung pagkakaalam at pagkakakilanlan ko sa spam at sa Ma-ling. Ang alam ko, pareho silang brand o pangalan ng processed meat na hindi natin malalaman ang misteryo kahit kailan ng karne kung saan tunay na nanggaling. Minsan pusa minsan daga. Ang pinagkaiba lang siguro, ang Spam Western brand at ang Ma-Ling ay Asian brand. Hindi ako sigurado dito, wag niyo ako seryosohin. Isa pa, mas gusto ko yung piniritong Spam kesa Ma-Ling. Teka, mas gusto ko lang talaga lasa ng Spam kesa Ma-Ling sa pangkalahatan. Yun yon.
Maraming klase ang Spam. Spamburger, Spamghetti, Spamlabok, Spam rice topping. Daming flavors. Spicy. Cheese. Barbeque. Kare kare. Wait, what? Malasa rin at gusto ko yung alat, alam mo yun? Lasang binabad ng matagal sa preservatives. Yung mga ganitong klaseng pagkain yung talagang magpapahinto ng tibok ng puso. Pampabata kasi di ka na aabutin ng pagkatanda.
No love for Ma-Ling pero pwede na patyagaan kung walang choice. Parang pakiramdam ko kasi trying hard na Spam ang Ma-Ling. Nasubukan ko na kainin yung pareho at ang Ma-Ling may datingan sa bibig na parang karne na nginuya muna ng matagal ng matandang walang pustiso. Tapos sinipsip lang yung lasa saka itinabi sa gilid ng pinggan.
Kadiri.