Quantcast
Channel: 首イボは早めの対策が必要
Viewing all articles
Browse latest Browse all 174

Is It Too Late To Say Sorry?

$
0
0

Huling beses na niya saken dapat gawin ito.

Ganun siguro talaga kapag blogger ka. Mga simpleng bagay, kaya mo gawan ng katuturan at paglaruan yung kwento gamit ng mga salita. Kung halimbawang di man ako nagsusulat sa blog ko, sa Facebook status posts ko ako bumabawi.

Isang beses lumabas si Ser mo para bumili ng game niya para sa PS4 at ako naman, lumabas saglit para kumain ng ramen saka manood ng sine. Sa pagod ni Ser mo sa paghahanap, nakatulog na siya pagkauwi niya. Ako naman nanood ng Walang Forever na di ko nagustuhan kasi wala naman masyado laman yung kwento. Basta nakakatawa lang yung cast kasi galing sila ng teatro ie Rak of Aegis. Edi kumain ako sa Ramen Nagi. Di ko alam na for sharing pala yung mesa. Apat ang pwede sa mesa at dahil madaming tao, hindi ako agad nasabihan na may makikiupo na lalake sa mesa ko. Tapat ko pero sa kanan siya nakaupo. Di ko tiningnan yung manong kung ano itsura niya o kung paano siya kumilos. Nawirduhan lang talaga ako na may kahati ako sa mesa at naibahagai ko yun sa Facebook ko bilang status. Sinabi ko na na naka pambahay lang ako at di nakaayos at heto na nga, bilang blogger, marunong tayo maglaro ng kwento at idinagdag ko sa post kung paano kaya kung magpakilala ako kahit wala naman talaga ako intensiyon gawin yun. May mga magcomment na sige daw pakilala ako. Gawa daw ako ng first move blah blah blah. Kumbaga pinatulan ng tao yung post kasi makulit. Pero ako, wala naman masyado reaksiyon kasi di ko naman sineseryoso.

Dalawang araw ang nakalipas, pagkatapos nung post ko na yun sa Facebook saka lang ako kinausap ng Ser mo. Tinatanong niya kung pwede daw ba ipaalam ko sa kanya kung nakauwi na ako at tatawag siya, may liliwanagin daw. Ako bilang asar na asar dahil ilang araw akong dinedma, iniwanan sa ere at di pinansin, palaban sumagot dahil di ko alam rason niya bat niya ginawa yun. Bakit kailangan makauwi pa ako bago niya sabihin. Kung mahalaga ito, sabihin niya agad. Wag niya ako baliktarin. Siya itong may bagong biling game baka ayaw niya lang siguro magpaistorbo dahil may bago siyang libangan. Binabalik niya pa rin yung usapan sa punto niya na parang ako yung may kasalanab. Sabi ko pagusapan namin sa opisina. Ayaw daw busy siya. Paguwi naman daw niya ng bahay natutulog na lang siya. Nakakahiya naman sa lifestyle niya at ako pa magaadjust. Nakauwi na ako at nakapagreply na sa kanya kaso di naman siya tumawag. Nakakagago diba? Hanggang sa napilit ko nga na sa break kami magusap at nung nagkita kami, nakumpirma ko na tungkol nga ito sa Facebook post ko nung kumain ako sa Ramen Nagi. Nagkaayos na kami at sabi niya sana daw sa susunod wala na ulit mangyaring ganun. Di ako nangako pero sinabi ko na susubukan ko kahit di ko naman makokontrol.

Nagkaayos na kami. Okay na hanggang sa may nangyari na naman.

Naguusap lang kami tapos bigla ko naalala yung kasabayan namin sa training na medyo macho gwapito. Nahaging lang siya sa usapan dahil pwede naman na tungkol din dun yun. May relasyon naman sa usapan hanggang sa umarte na naman tung Ser mo at sinabi na may pagkakataon pa daw ako para piliin yung lalake na yun. Ang akin lang, pucha naman. Ano harot ba ako? Wala ba akong sariling utak? Hindi ba niya makuha yung punto na si Ser mo lang ang parating pipiliin ko at nahaging lang sa usapan yung nakasama namin dati sa training?

Pangalawang araw na naman niya akong di kinakausao dahil sa kababawang pagseselos na yun.

Ang punto ko lang, tangina, una di ko ibababa yung prinsipyo at pride ko para sa bagay na hindi niya mauunawaan. Yung kokote niya ang kitid dahil iniisip niya insecurities niya. Simpleng usapan lang ito tsong. Lambingan nfa lang kung tutuusin kasi pakyut na paselos lang ito pero sineryoso niya. Pangalawa, hindi ko deserve tratuhin ng ganito. Putrages, di ako kakausapin dahil lang nagselos siya sa wala? Pangatlo, siya pa rin ang pipiliin ko kahit may insecurities siya dahil di ako malanding tao na basta basta na lang lilingkis sa ibang lalake dahil wala lang.

Alam mo minsan, natutuwa ako na nagseselos siya pero wag naman ganito na umaabot pa sa di pagpapansinan. Di na tayo mga bata para magkagalit dahil lang nagselos na may iba ng kalaro yung mga kaibigan natin.

Wala na sa lugar e.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 174

Trending Articles