Quantcast
Channel: 首イボは早めの対策が必要
Viewing all articles
Browse latest Browse all 174

Ang Kapal Lang Ng Mukha Niya

$
0
0
image

Alam mo, dapat nag-ingat ako e. parepareho lang talaga yung mga lalake. Gusto ko isipin na ako yung problema pero ang totoo, nadadamay lang ako.

Napapansin ko na kasi na parang ang tamad na talaga ng Ser niyo. Literal na ayaw na niya magkikilos at pumasok sa trabaho at kulang na lang ayaw na rin niya huminga kasi bakit pa? Wala na rin namang punto. Sabi ko sa kanya pag-isipan niya muna baka kailangan niya lang ng time. Tapos ayun na. Lintek. Naging biglang tungkol saken yung usapan na ayaw daw niya ako na nadadamay at ayaw niya raw na nakatali ako sa kanya tapos nagkakaganun siya. Ang akin naman, di ako yung problema. Okay kami at handa lang naman ako na makinig sa kanya at tumulong at dumamay at kahit tumalon sa bangin. Ayokong mangiwan ng tao sa lusak. Hindi ko istilo na mangiwan ng tao sa kahit saang pagkakataon. Hanggat makakatulong ako kahit sa anong paraan gagawin ko. Pero yung isang ito, parang aayaw na.

Naiyak na naman ako sa mga kaibigan ko sa opisina. I KNOW! KABABAWAN. Kasi Ako kasi talaga yung tao na gusto kong masabi na nagawa ko na ang lahat at sa puntong ito mukhang wala naman na akong magagawa. Totoo nga ano? Di mo talaga pwedeng mabago ang isang tao. Kailangan mo iintroduce lang sa kanya yung idea and then let him do the rest and pray fucking hard that God will do the rest para makapagbago siya ng tuluyan. English yun. Hindi ko mababago yung katamaran niya pero gusto ko nandon ako kung sakaling maisip niyang baguhin yun. Gusto ko kasama niya ako kapag nangyari yun kasi alam mo? Magiging masaya ako na makitang masaya siya.

Totoo din na may nakikita yung mga kaibigan mo na hindi mo nakikita kaya kung halimbawang may sinabi sila, pakinggan mo dahil wala naman ibang hinangad yung mga kumag na yun kundi kabutihan mo. Sabi ng mga kaibigan ko, wag na raw siya. Iwanan ko na at wala naman kwenta. Naniniwala ako. Pero kasi, nakapagpundar na ako ng emosyon, oras at pagmamahal sa kanya at ano? masasayang lang dahil sa putanginang midlife crisis na pinagdadaanan niya? 

Ayoko pero kailangan ko na itigil. Wala naman na talaga akong sustansya na mapapala kung makikipagrelasyon ako sa isang lalaking tamad na mabuhay dahil hihilahin lang ako nito pababa. Bigyan ko pa ba ng pagkakataon? Patatagalin ko para saan? Para lang makita lalo yung mga kamalian niya imbes na nakikipagkilala na ako sa iba na pwede kong totoong maging karelasyon na mature at lalakeng tunay para panindigan ako?

Ano? Deds na deds lang ako sa kanya? Wag ako. Ayoko na isipin niya na ako binasted niya. Ulol! Sa akin ang huling halakhak. Ayun. Nagdeactivate muna ako ng FB ko.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 174

Trending Articles