Quantcast
Channel: 首イボは早めの対策が必要
Viewing all articles
Browse latest Browse all 174

Happy Birthday,  xG

$
0
0
image

At heto na naman ako nagbabalik. Di ko binasa yug mga previous blog entries ko. Ang intese kasi! Pakiramdam ko, nagpadalos dalos na naman ako sa emosyon ko. Natural ko yun.

Naranasan mo na ba yung ginamit mo yung mamahalin mong lipstick. Ang ayos ng pagkakalagay mo, walang lagpas tapos pantay na pantay. Ang ganda ng mood mo kaya lang biglang papaalalahanan ka ng nanay mo na uminom ng gamot. E maarte ka. Kelangan mo uminom ng tubig para itulak yung gamot pababa sa sikmura mo kasi masyadog malaki yung tableta at alam mong mabubulunan ka. Kainis yung ganitog moment, ano? Di mo naman pwedeng di inumin yung gamot mo. Wala kang choice kundi ilagay yung gamot sa dila mo, ibuka yung bibig mo ng pagkelakelake ng hindi lumalapat yung labi mo sa baso at pumikit para magdasal na sana hindi masira yung lipstick mo.

E yung di ka nagising ng maaga kaya nagmadali ka magsipilyo. Ang sarap na ng pakiramdam mo at nagbago na ang mood mo dahil pakiramdam mo malinis na malinis na yug bibig mo. Lumabas ka ng banyo at nakasalubong mo nanay mo tapos aayain ka kumain. Pagtingin mo sa mesa, karekare yung nakahain–paboritong ulam mo. Maiinis ka na naman ng wala sa hulog kasi yung nanay mo di mo alam kung nangaasar ba. Nagutom ka bigla kaya kakain ka na lang din tapos fuck that shit na lang masasabi mo dahil ayaw mo na ulit magtootbrush at kelangan mo na umalis dahil late ka na sa trabaho.

Birthday ko ngayon, kung di mo alam. Parati at paulit ulit kong sinasabi na an bagong taon para sa akin ay hindi January 1 kundi sa tuwing birthday ko. Iba nga lang ang sitwasyon ngayon kasi 29 na ako. Late 20s. Dalawan tapak na lang wala na ako sa kalendaryo. Nagaalala ako. Yung anxiety level ko biglang tumaas. Paano ba naman, pakiramdam ko huling excuse ko ma itong edad na ito para maging immature. Huling excuse ko na ito para sabihin na bata pa ako. Kasi hindi na. I am officially old.

Biglang napaisip ako kasi wala pa akong nararating. Well, travel wise madami na pero maturity wise? Ang late bloomer ko lang. Ang dami sa mga kaedaran ko, may pamilya na, may negosyo na, matagumpay at nakuha na nila yung buhay na gusto nila pero parang ako, olats sa buhay. Biglang nabura sa buhangin yung mga ambisyon na meron ako nung bata pa ako.

Ilang oras pa, papunta na ako sa Sagada. Ayoko ng mahahabang biyahe sa kalsada. Nananakit yung tumbong ko. Di ako nakakatulog ng maayos kasi sa biyahe. Ang kinaganda naman nun, makakapagisip ako tungkol sa buhay ko. Kelangan ko ukit ieksamin ang buhay na meron ako ngayon at iayos yung mga plano ko para sa hinaharap. Balitaan ko kayo, sure yan.

Sulat ulit ako bukas.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 174

Trending Articles