
Pangalawang araw pa lang ng 2017 at pakiramdam ko tinatamad na akong pagdaanan ang buong taon at gusto ko na lang magfastforwad agad sa 2018.
Sige, backtrak muna tayo ng 2016 at inaalala ko kung ano yung pinaka hindi ko makakalimutan. Medyo nakakatawa kasi tungkol ito sa unang beses na umalis ako kasama ng taong posible ng panghabang buhay ko.
Shet! Ang baduy.
Unang beses ko magbiyahe kasama yung lalakeng binobola ko. Malaking bagay para sa akin ito kasi alam naman natin na may malisyang magaganap at sa tanda kong ito, wala na akong ibang inaalala pa dahil nasa tamang edad na rin naman ako para gawin yung mga ganung klaseng bagay.
Natutuwa lang ako kasi nasundan at may may susunod pang mga biyahe kasama siya. Dati kasi laging magisa lang ako umaalis pero ngayon may kasama na ako. Kelangan ko lang siguro masanay na.
Alam mo na, tipid na rin sa gastos kasi may kahati. Iyon ang pinakamahalaga.