Quantcast
Channel: 首イボは早めの対策が必要
Viewing all articles
Browse latest Browse all 174

Crimson Peak

$
0
0

Muntik na. Muntik na akong di makagawa ulit ng blog entry dahil sa mga distractions ie replay ng AlDub Tamang Panahon. Hindi ako papatalo. Priorities!

Bilang pagpapatuloy sa naudlot na kwento, tumungo tayo ngayon sa mismong araw ng first date. October 24 yun sa pagkakatanda ko. Bale ganito. Di ko talaga alam kung paano ako napapayag ni ser AJ mo. Hanggang sa mga panahong iyon, di ko pa rin talaga maseryoso yung intensiyon niya sa akin. Wala pa rin talaga akong malisya. Di ko malagyan e.

Ang pinakamahirap sigurong parte ng date namin ay yung kung saan kami magkakasundo. Una, sa pelikula na panonoorin. Di ako nanonood ng horror. Tatalon na ako sa bangin pero di mo talaga ako mapipilit manood nun. Palabas yung Insidious nun at walang daan ang pwede niyang tahakin para mapilit ako panoorin yun. May isang option, The Martian na feeling ko ang boring (pero maganda daw talaga). Di ako nakumbinse ni AJ manood nun hanggang sa nagkatotoo na nga yung kasabihang 3 is a charm. Crimson Peak naman ang sinabi niya. Siyempre, GMG naman ako at sabi naman sa Rotten Tomatoes, gothic romance daw ang genre nito. No choice! Wala na akong nagawa kundi pumayag. Alam ko may sorcery siyang ginawa nun. Nakalimutan ko lang kung ano yung eksaktong sinabi ni AJ.

Pangalawa, yung kung saan kami manonood ng sine. LDR kami. Taga Cainta siya taga Valenzuela naman ako. Upper east sider si ser mo habang ako hamak na Valenzuelano lang. Ang pinakatamad na pwedeng maging desisyon dito, meet half way at ang gitna ay SM Megamall. Wala namang kaso sa akin. Sa kanya, wala siyang kotse so since ayaw niya mapitpit sa Edsa dahil nakamotor lang siya, napili na lang namin na sa Megamall na lang magkita. Edi ayos na.

Nakapamili na ako ng damit. Nakuha ko na yung tamang tutorial para sa pagaayos ko sa mukha ko. Di ko sinabi sa nanay ko na lalabas ako at makikipagdate. Sinabi ko lang aalis ako. Sanay na nanay ko na ganun. Basta umuuwi kami ng ligtas ayos na sa kanya yun. NagUber ako para naman di haggard kapag nagkita kami. Makabago na panahon ngayon, tsong. Mahalaga fresh ka parati. Rule of thumb yan.

Pangatlo, oras kung kailan kami magkikita. Sinakto ko na di naman masyadong maaga, di naman masyadong gabi na. Sakto lang para may panahon pa magdinner at kung nabitin pwede pa maglast full show. Nagmaaga ako. Di ko kasi tantiya yung traffic ng ganung oras.

Dumating na ako. Alas kwatro ata at marami pa akong oras para mamili pa muna. Pagpunta ko sa cinema ang dami ng tao sandamakmak at ang haba ng pila. Weekend kasi. Bilang umaapw pa yung oras ko, nagkusa na ako na pumila para bumili ng tiket. Tinext ko ngayon si ser AJ mo at sinabi ko na ako na bibili ng tiket. Nagreply, siya na daw bahala. Sabi ko andun na ako, ako na bibili. Nataranta si ser mo. Amg aga ko dsw bat andun na ako. Wag daw ako bumili. E ayoko papigil kasi pabebe ako sinabi kong wala na siya magagawa dahil nakabili na ako kahit hindi pa naman. Humingi siya ng pasensiya, di niya daw akalain na ganun. Ayos lang naman saken. Kahit medyo, naturn off ako. Kulang siya diskarte. Naungusan ko pa siya. Isipin mo, matagal na yata siya di lumalabas para di niya isipin yung mga bagay na yun. Saka, may unwritten rule na kung sino nagaya siya manlilibre. Kaso di ganun nangyari e. Yung totoo, inaashaan ko talaga na siya gagastos ng lahat. Ganun ako kakupal pero ayos lang din naman na hati. Mas gusto ko nga yung hati kami pero okay lang ba siya? First date ito. Pabida naman siya saka papogi kahit sa first date lang! Ayos na rin siguro. Sinabi ko na lang na siya na bahala sa food. Pampalubag loob.

Naaliw na ako sa pamimili hanggang nagtext na ulit si ser mo andun na daw siya. Sakto siya. Hindi late. Sakto lang. Yung mga paruparo ko sa tiyan kinilig e. Kinabahan din akong konti kasi wala na yatang amoy yung pabango. Chill. Kalma. Sabi ko sa may ticket booth kami magkita. Okay daw. Pumunta na ako pero nakatalikod ako sa mga tao. Medyo patago. Check ko kung makikilala niya pa ba ako.

Kinalabit ako. Nakilala niya ako. Nagbesohan kami. Kaswalan. Ang dami kong bitbit na paper bag dahil sa pinamili ko pero di man lang nagalok ng tulong. Ekis! Ekis talaga.

Bumili kaming pagkain. Siya pop corn ako di ako nagpabili. Juice lang ata, yung Real Life na apple flavor. Konting chika chika hanggang sa nakapasok na kami sa sinehan. Tinanong ko siya kung okay lang sa orchestra kami umupo. Orchestra nga ba yun? Yung malapit sa screen. Imposible naman na balcony! Chika chika kami sa sinehan. Chika chika habang nanonood ng sine. Nagdidiskusyon kami tungkol sa mga napapanood namin. May mga gulat moments at meron din namang mga eksena na kemehan. Nung parte na nagkekemehan na, tinakpan ko mata ni ser mo.

AHAHHAAHAAA! Awkweird.

Nagustuhan ko naman yung movie. Pwede na. Nararamdaman ko na may tensiyon. Yung alam ko na gusto duma moves ni AJ oero di niya magawa. Olats e. Di makakuha ng tiyempo. Ayun. Nagutom na ako kaya lumabas na kami ng sinehan tapos naghapunan. Cajun. Mali nga yung iniisip kong restaurant. Di pala ito yung gusto kong kainan. Anyways, Chika chika ulit. Basic lang. Hanggang sa tinanong ako ni AJ kung gusto ko pa manood ng sine. Last full show. Ok lang sa akin. Gusto niya daw sana Goosebumps naman. Pumunta na kami sa ticket booth kaya kang di na daw nagbebenta. Medyo nalungkot si AJ so nagdesisyon na lang siya magkape kami. San pa ba edi Starbucks.

Nung lumabas kami, nakita kami ng guard. Inalok kami ng taxi papuntang Pasig. WHAT THE FLYING FUCK! Ano akala niya samen hayok sa laman? Alam ko na puro motel sa Pasig. Pasensiya na sa mga taga Pasig pero magpakatotoo lang tayo. Di naman magiging Payanig sa Pasig yung pangalan ng sikat na perya dun dati kung wala wala lang e. Tumawa lang si AJ tapos tinanong kung bakit alam ko daw yung mga ganun. Aba! Nasa edad na ako at sa trabaho na meron ako di malayo na magkwento mga kaopisina ko ng mga pagpapayanig na ginawa nila sa Pasig.

Nakarating na kami sa Starbucks. Order ko nun Green Tea Frap blended. Walang caffeine kasi gusto ko makatulog agad pagkauwi. Naghahanda na ako magUber kaso wala akong makuha. Sabi ni AJ sira daw system ng Uber ngayon. Sabi ko sa kanya style niya bulok. Ayun. Chika chika ulit hanggang sa nagsara na yung Starbucks. Nagwawalis na yung mga crew nagtitiklop at nagliligpit na ng mesa pero andun pa rin kami. Kumuha na ako ng Uber kahit may surcharge kasi antok na rin naman na ako. Parang nabitin nga si ser. Naramdaman ko naman pero kasi wala na siya magagawa kasi gusto ko na umuwi. Dumating na Uber ko. Nagbesohan kami ulit pero sa pagkakataong ito naramdaman ko na humawak na siya ng mahigpit sa bewang ko saka niya ako hinatid sa kotse.

Pagkarating ko ng bahay nagmessage siya saken. Sabihan ko daw siya kapag nakauwi na ako. Ayun. Submissive ako kaya sinunod ko naman. Chika chika na naman ulit kami hanggang sa 4am ata. Antok na ako nun pero siya gising pa kaya ganado pa si ser. Sabi niya, gusto na daw niya talaga seryosohin na ito. Magpapaalam daw siya sa mga kaibigan ko bilang alam nila na dati naging item sila nung kaibigan kong kasabay namin sa training. Sabi ko siya bahala. Natuwa naman ako na may pagkamaginoo naman si AJ. Diskarte niya yun bahala siya.

Sa puntong yun, ineenjoy ko lang talaga. Di ko sineseryoso kasi masyado pang maaga para masabi ko pero sa loob loob ko sana siya na nga. Siya na nga talaga.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 174

Trending Articles