
Gagawin ko lang maiksi ito kasi may chance na tamarin ako.
Woops. Nangyari na nga. Manigong bagong taon sa inyo! Sana sa araw na ito napapaligiran ka ng mga taong totoong nagmamahal sa iyo dahil kung hindi, kawawa ka naman. Ako sa opisina ako magdiriwang ng New Year. Walang bago. Sanay na ako. Ayoko naman makipagpatayan magapply ng vacation leave kaya maigi na itong tanggap ko para di na lang ako aasa at masasaktan.
Sana sa 2016, lahat tayo ay parang kape. Yung matapang. Yung kayang ipaglaban ang mga mahal natin sa buhay.
Simple pero rock diba?