Quantcast
Channel: 首イボは早めの対策が必要
Viewing all articles
Browse latest Browse all 174

To Life, Love and Beyond

$
0
0

Bago pa ako tuluyan na maging abala ngayong araw na ito, gawa muna ako ng blog entry. Astig na rebelde na ako ngayon kasi sa opsina na ako gumagawa nito. Aren’t you proud of me?

Huuy! Happy New Year sa inyong mga pangit kayo. Medyo maganda nga pala ang pasok ng taon para sa akin kanina. Corny nga lang kasi sa opisina ako nagdiwang ng bagong taon pero ayos lang. Bawi naman na itong 2016 kasi papatak na weekend yung parehong pasko at bagong taon kaya wala na akong iintindihin na sakit sa ulong mahiharapan ako sumakay dahil wala ng mga bus papuntang kabihasnan. Haba ng sentence na yun.

Bale may tatlo akong lakad ngayon. Yung dalawa parehong sa kamag-anak ko pero yung isa para sa lablayp ko. Tse! To life and love nga ang title diba? Yung isang pupuntahan kong lakad sa kamag-anak ko, di ko masyado bet. Kasi puros mga tiyahin ko kasama. Doon ako sa isa kong pinsan na may paswimming saka painom. YOLO! Hi nga pala sa inyo kung nababasa niyo ito! I chose you guys so please stop sneaking in my blog. English para maintindihan niyo. What?

Siyempre doon tayo sa pinakamahalagang parte ng blog post na to, yung sa lablayp. Natuwa naman ako at nagkusa si Ser niyo na magyaya sa January 1. Medyo baduy kung tutuusin kasi wala siyang pinagkaiba sa February 14. Alam mo na? Kung naniniwala ka sa mga pamahiin, kung ano daw ginawa mo sa unang araw ng taon yun daw gagawin mo sa buong taon! Edi kinilig yung pechay baguio ko siyempre. Ibig sabihin baka, siguro lang naman, baka gusto niya na nga talaga ako makasama sa buong taon. Buong buhay!

So ayun, sa bagong lugar kami manonood ng sine para naman exciting. Pagkatapos ko dumiretso sa lakad ko sa pinsan ko, sasaglit ako kay Ser tapos babalik naman ako ulit sa pinsan ko. Baka nga ipakilala ko na siya sa kanila. Depende kung di tatamarin si Ser. May ganun kasi siyang tendency, friends.

Tamarin. Medyo yun nga yung isa sa mga pakiramdam kong kaekis ekis sa ugali niya. Parang lulugo-lugo. Walang energy. Walang gana. Hindi yata nabigyan ng tiki-tiki nung bata kaya parang sakitin itsura. Ayos naman siya kausap kaso ang hirap lang kapag tinamaan na siya ng antok saka katamaran. Gusto ko ng sana sunduin ng eroplano kasi ang hilig mangiwan sa ere. Sa ngayon, yun yung dahilan kung bakit di ko pa siya masagot para gawing syota kasi tinatantya ko pa kung kaya kong tiisin at pagpasensiyahan. Mahirap kasi na yung kasama mo sa buhay ay tamad dahil hindi magtatagal magiging pabigat lang siya imbes na magtulungan kayo sa pagangat.

Ang magandang ugali na nakita ko sa kanya e yung gusto na niya lumagay sa tahimik. Hindi siya tulad ng ibang lalake na alam mong naglalaro lang, puro pick up lines, man bun, ek ek cherverlu  at di seryoso sa pagaasawa. Siya, gusto na niya talaga. Prangka siya para sabihin na gusto niya ako anakan at panindigan. Bihira yung lalakeng ganun. Ewan ko, kasi pakiramdam ko baka dahil may edad na si Ser bilang 37 years old na siya kaya siya nakakapagsabi ng mga ganung bagay.

Oo nga pala, ako pa rin nagbabayad ng sine namin at pangapat na ito. Sana naman sa panglima gumawa na siya ng account at aba siya na kaya magbayad? Grabe siya sa akin.

Ok! Bukas ulit. Bye!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 174

Trending Articles